Life is a succession of lessons which must be lived to be understood.
Kadalasan nakakulong tayo sa alaala ng ating nakaraan
kung kaya't hinahanap natin sa iba ang mga katangian niya.
Lagi nating inaalala ang lahat ng bagay tungkol sa taong sobra nating minahal.
Minsan minamahal o nagugustuhan natin ang isang tao
sa kadahilanang mayroon silang pagkakapareho sa paguugali,kilos,maniarism,
hilig, at sa kung anu anu pang bagay sa taong dati nating minahal.
Kahit na natapos na ang lahat sa atin patuloy parin tayong naghahanap
ng taong katulad niya. Kahit gaano man natin kamahal ang isang tao
at ipinangako natin sa ating sarili na siya lamang ang ating mamahalin
habangbuhay.. mayroon mga pangakong napapako..
Minsan hinahap natin sa mga nagiging Bf/Gf ang mga dating ginagawa
ng ating past Bf/GF..
kung kaya't kahit sinasabi na natin sa ating sarili na nakalimutan na
natin siya masakit mang isipin naghahanap parin tayo ng tulad niya.
Mayroon paring pagkakataon na maiisip nating hindi na maiibabalik ang nakaraan
kahit gaano man kaganda ang naging pagsasamahan ito ay natapos din
kaya't ito ay mananatiling isang hindi malilimutang alaala.
Mayroon paring isang taong darating sa hindi inaasahang pagkakataon
sa ating buhay na mamahalin pa tayo ng higit pa..
Kung kaya't huwag nating hayaan ang ating sarili na manatiling mabuhay
sa alaala ng nakaraan.Mayroon tayong mga pagkakamaling nagawa noon
na labis nating pinagsisisihan kaya't sana huwag na nating hayaang mangyari itong muli.
Huwag nating mahalin ang isang tao dahil lamang sa dahilang
nakikita natin sakanya ang taong minahal natin dati..
kundi ay mahalin natin sila kung ano sila at kung sino sila!
Huwag nating hanapin sa iba ang pagkukulang ng nakaraan.
Labels: all about LOVE, Personal
0 comments on "NAKAKULONG SA ALAALA NG NAKARAAN"
Post a Comment